QuotetastropheLife-Learned Lessons in Quote Images & Videos

Connect with us on Facebook.

P.S. I wonder how many fireflies tsParticles released in our backyard?

Buti Pa Sila Ligong Ligo

More Quotes Posters About Tagalog

Looking for the best motivational and inspirational Tagalog quotes? Explore our collection of uplifting quotes in Tagalog that will inspire and motivate you towards success and happiness.

Here are more quotes posters about tagalog. Sorted from newest to oldest. Feel free to share this quotes posters on Facesbook or on your favorite social media sites.


Ito Lamang Po ang Aming Hiling Diyos Ama

0 like

Isang araw ulit na masaya.
Kitang sapat para sa pamilya't
maka-uwing ligtas ng maaga.
Yun lang po ang hiling, Diyos Ama.


May Karapatan pa nga ba Akong Mag-aksaya ng Tubig?

0 like

Panay ako reklamong mainit.
Kaya pa naman ding magpalamig.
Bulag sa kalagayan ng ilang
ni iinumin walang maigib.

May karapatan pa nga ba kong
mag-aksaya ng tubig?


Panginoon, Tulungan Mo po Akong Harapin ang Kalungkutan

1 like

Panginoon...
Tulungan Mo po akong harapin,
mga nakalaang kalungkutan.
Patnubaya't turuang sinupin,
pinangako Mong kaligayahan.


Kung Para sa Pamilya'y Kayang Magtiis, Mabigay Lang ang Nais

1 like

Hayaang maghalo ang luha at pawis.
Nang walang makarinig sa'ting pagtangis. 
Kung para sa pamilya’y kayang magtiis.
Di mapapagod, mabigay lang ang nais.


Salamat Inay sa Walang Sawang Dalangin Para Saking Tagumpay

1 like

Salamat po Inay
dahil palagi kang nakagabay.
Mabalewala ma’y
wala paring sawang umagapay.
Busilak mong puso
na saki’y palaging naghihintay.
Walang pagod sa pagdalangin
para saking tagumpay.



Dehins Mo na Need Magpacute, Bomalabs Kitang Dedmahin

1 like

DEHINS mo na need
magpacute sakin.
Bomalabs
naman kitang dedmahin.
Baka bonus kiss pa
kung palarin.
Lalo na kung may dala kang...


Para sa Kaginhawaan, Nakangiting Magsisikap at Magtitiwala

2 likes

Pagod na katawa’t matibay na pusong
nagsasakripisyo para sa pamilya.
Mapahikbi ma’y hindi pa rin susukong
abutin ang pangarap ng buong sigla.

Para sa kaginhawaan,
nakangiting magsisikap at magtitiwala.


Malamang sa Alamang eh, Hinayaan Natin Silang Ma-stress

2 likes

Kung alam ko lang
na hindi bilang as one act of kindness.
Ang kusang pag-abot ko
ng mga bayad nila sa jeep.

Malamang sa alamang eh,
hinayaan ko silang ma-stress.


Ano bang Paki, Mundo'y Piso para sa Itim ang Budhi!

3 likes

Tamang sabihing gusto mo lang mabuhay,
lang pakialam hangga't di humuhusay.
Kaylangan ba ng unos para bumigay?
Daing at sisihan pag may humandusay.

Tapos pagkatapos ay uulit muli,
daig ng yaman ang halaga ng sawi.


Kita ba ng Tao ang Sugat ng Mundo?

2 likes

Kita ba ng tao ang sugat ng mundo?
O parang hanging pansin lang pag namaho.
Tulad din ng kamay mong pagod na't hapo.
Ngunit pera lang ang inimis ng garbo.



Dahil Laging may Pangakong Bukas Para sa Naghihintay

5 likes

Panghuli…
Subukan mong makuntento,
iwasan mo ang inggit at pagkaganid.
Madalas mang kayong talo’y,
salamat pa ding malayo sa panganib.

Dahil laging may pangakong bukas.
para sa umaangkin at naghihint…


Mapalad Kayong Mayroong Mapagmahal na mga Magulang

5 likes

Ikalawa…
Huwag mo silang sigawan,
dahil lamang sa kanilang pagkukulang.
May hapdi sa kalooban,
ngunit nakangiti ka pang pagbibigyan.

Mapalad kayong mayroong
mapagmahal na mga magulang.


Dahil Inaasam ko Palagi ang Iyong mga Ngiti

4 likes

Ikauna…
Igalang mo lamang ako,
respetuhin kahit hindi pagmalaki.
Pasalamatang patago’t,
paglaanang kausapin tuwing gabi.

Dahil inaasam ko palagi ang mga
kwento mo’t ngiti.


Kung Alam ko Lang na may Kaakibat Palang Sakit

5 likes

Kung alam ko lang
na may kaakibat palang sakit
ang linyang
akala mo pinupulot ko lang ang pera!.
Binigyan ko sana ng yakap
ang mga magulang ko noong
panahong gustong-gusto nila kong bigyan
ngunit walang-wala …


Habang Tumatanda at Nagmamature Nawawala ang mga Palusot

5 likes

Habang tumatanda at
nagmamature,
unti-unti mong nalalaman na
hindi pala talaga umuubra
ang mga pambatang palusot
sa iyong mga magulang.
MAHAL KA LANG TALAGA NILA
kaya minsan, ika'y napagbibigyan.