Buti Pa Sila Ligong Ligo
Buti pa sila LIGONG LIGO
kahit madaling araw.
Ako, tamang tago sa sulok
kasi talo sa GINAW.
Salapi ang Katumbas ng Paulit-ulit na Ruta
Salapi ang katumbas ng paulit-ulit na ruta.
Minsa'y nakakasawa, minsan pa'y nakakadismaya.
Pero kaibigan, kapit lang, magpatuloy, mag-tyaga.
Wala man ngayong nilaga, ligtas pa ri't pinagpala.
Wag Mong Ipilit ang Sarili mo sa Iba
Wag mong ipilit ang sarili mo sa iba.
Kung talagang TUNAY,
kahit hindi ka kasama,
IMPORTANTE KA.
Totoong Mapalad ang Nagpapakababa
Totoong mapalad ang NAGPAPAKABABA
hindi sa kadahilanang sila'y ITINATAAS.
Kundi dahil NAMUMUKOD TANGI ang ganda't
biyayang sinasaboy sa kanila ng MAYKAPAL.
advertisement
continue reading below
Dahil sa Ilang Tunay na Kaibigan
Hindi yan sa kung gaano karaming
bote ang kinailangang itumba
para lamang mabuo ka.
Kundi dahil sa ilang tunay na kaibigang
nagtiyagang itulak ka sa panahong
walang wala ka na.
Kaya wag mong piliing mag-isa, PAHALAG…
Panginoon, Tulungan Mo Po Sila
Panginoon, tulungan Mo po sila. Maraming maraming salamat Po sa mga biyaya. Amen
Panginoon, Gawin Mo Akong Makabuluhan
Panginoon, gawin Mo
akong makabuluhan sa araw-araw.
Tulungan Mo akong pasayahin ang
aking magulang, kapatid at mga kaibigan.
Amen
Panginoon, Tulungan mo po Kami
Panginoon, tulungan mo po kami
sa panibagong pagsubok.
Bigyan mo po kami ng lakas at tapang
na umahon sa aming pagkalubog. Amen
Panginoon, Salamat po sa Pagbibigay ng Lakas
Panginoon, salamat po sa pagbibigay ng lakas sa tuwing ako'y napapagod.
advertisement
continue reading below